ACD (8.25.09)
Naging maningning, makulay at punung-puno ng sigla ang pagdaraos ng Ginoo at Mutya ng Wika kagabi na ginanap mula sa College Auditorium ng SSC-R Manila. Hinirang na Ginoo ng Wika 2009 si G. Jericho Manalac habang si Bb. Masako Mallari naman ang kinoronahang Mutya ng Wika 2009.
Naging panggulat ang panimula ng timpalak nang mamangha ang mga manonood sa mga kalahok habang nagpaparada sa makukulay at kamangha-manghang gayak ng iba’t-ibang rehiyon at lalawigan. Ang kategoriyang ito ay pinagwagian ni G. Jericho Manalac na nag-gayak Igorot habang si Bb. Nina Joson naman ang umangat sa kanyang mahabang kasuotan na pinalamutian ng mga ginintuang isda.
Sinundan ito ng pagpapakitang-gilas ng mga kalahok na namalas sa “video”. Ginawaran sina G. Peter Johns Kevin at G. Darwin Sagun na parehong nagkamit ng pinakamataas na antas. Sa hanay ng mga binibini, si Bb. Carla Bianca Nacion naman ang nahirang na pinakamahusay.
Hindi nawawala ang kagandahan bilang batayan sa ganitong patimpalak. Si Bb. Jean Camille Bautista ang nagrehistro ng pinakamagandang larawan habang si G. Erwin Chester Nicolas naman ang itinanghal na pinakamakisig.
Pinakapalakaibigan at bukambibig din ng nakararami ang hinirang na si G. Erwin Nicolas sa kalalakihan at sina Nina Joson at Krizia Jimenes naman sa kababaihan.
Mula sa 13 kalahok na ginoo, ang mga pumasok sa pinal na pito ay sila:
1. Erwin Chester Nicolas
2. Jerico Manalac
3. Aaron Kevin Cariaso
4. Roy Batimana
5. Darwin Sagun
6. Vincent Vinarao
7. Celestine Matt Rances
Walo naman mula sa 21 kandidata ang pumasok sa huling pilian.
1. Nino Joson
2. Angelyn Lacsamana
3. Carla Bianca Nacion
4. Geraldine Gana
5. Krizia Jimenez
6. Jean Bautista
7. Myfynwy Cruz
8. Masako Mallari
Ang lupon ng inampalan ay binuo nila Fr. Cristopher Maspara, Bb. Cristina Tanedo, Gng. Rachelle Franco, Gng. Jovid Maricar Maranan at G. Lord Allan Montano.
Naging masigla ang palatuntunan sa paghahatid ng mga bilang tulad ng pag-awit ng mga “Sebastinian Idols”, pagsalang sa banda ni G. Mark Gonzales, pag-awit ni Gng. Anne Zoleta, G. Mario Maranan at G. Francisco Riodique, at iba pang mga talentadong Sebastino. Naging mahusay naman sa pagdaloy ng palatuntunan sina Gng. Malou Narca at G. Albert Danan. Nagsilbing direktor sa programa si G. Dong Bandal habang ang produksyon naman ay pinamahalaan ni Gng. Anne Zoleta kasama ang grupong Armacom.
Ang naturang patimpalak ay pinamunuan ni G. Mario Maranan kasama ng buong kaguruan ng Departamento ng Wika at Humanidades sa ilalim ng Kolehiyo ng Sining at Agham.
Ang Mga Nagwagi:
Ginoo ng Wika 2009 – Jericho Manalac
Ginoo ng Luzon 2009 – Erwin Chester Nicolas
Ginoo ng Visayas 2009 – Darwin Sagun
Ginoo ng Mindanao 2009 – Roy Batimana
Mutya ng Wika 2009 – Masako Mallari
Mutya ng Luzon 2009 – Jean Camille Bautista
Mutya ng Visayas 2009 – Nina Joson
Mutya ng Mindanao 2009 – Carla Bianca Nacion
Ang “Ginoo at Mutya ng Wika 2009” ay isa lamang sa mga naging kaganapan sa pagdaraos ng Linggo ng Wika na pinangasiwaan ni Dr. Lucivilla Marcos, bilang pangkalahatang pinuno.